DAVOS, Switzerland- SINEGUNDAHAN ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Pangulong Gloria Arroyo ang malakas na paniniwala ng pribadong sektor sa agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagbangon at paglago ng ekonomiya ng bansa.
“Alam ng Pangulo na sa pag-unlad ng ating bansa, ang partnership ng gobyerno at pribadong sektor ay napakahalaga,” ayon sa House deputy speaker.
Ang dating pangulo ay bahagi ng delegasyon ni Pangulong Marcos dito para sa 2023 Annual Meeting ng World Economic Forum (WEF).
“At ikalawa naman, malakas at matatag ang paniniwala ng private sector sa ating Pangulo,” dagdag ng dating Pangulong Arroyo.
Sa kanyang pambungad na pananalita para sa high-level dialogue- investing in infrastructure resilience, kinilala ni Pangulong Marcos ang papel ng mga kasosyo sa pribadong sektor habang itinuro niya ang mga pagbabago sa Build-Operate-Transfer (BOT) Law na tumutugon sa mga alalahanin tungkol sa pananalapi, viability at bankability ng public-private partnerships (PPPs) gayundin sa mga mga isyu sa mga potensyal na pagkaantala.
Ayon sa Pangulo, layunin ng kanyang administrasyon na itaas ang tiwala ng mga mamumuhunan, lalo na ang mga makikinabang sa sektor ng kalusugan, edukasyon, at agrikultura.
For this reason, we have taken a proactive approach. We have created a Private Sector Advisory Council (PSAC).
Some members are with us and we have formulated many strategies so that we can position the Philippines properly for [the] development and evolution of the new global economy,” ayon kay Pangulong Marcos.
Si Sabin Aboitiz, ang lead convenor ng PSAC, ay kabilang sa mga business leaders na sumali sa delegasyon ng Presidente para sa annual meeting ng WEF dito.
Pito sa mga business tycoon ng bansa ang nasa Davos para suportahan ang inaugural participation ni Marcos sa forum. Bukod kay Aboitiz, ang opisyal na delegasyon ng sektor ng negosyo ng Pangulo ay kinabibilangan nina Kevin Andrew Tan (Alliance Global); James Zobel ng Ayala (Ayala Group); Lance Gokongwei (JG Summit Holdings); Ramon Ang (San Miguel Corp.); Theresa Sy-Coson (SM Investments); at Henry Razon (International Container Terminal).
Sa isang panayam noong Martes, sinabi ni Aboitiz na ang pribadong sektor ay “napaka, napakasaya” na makipagtulungan sa pamahalaang Marcos.
“The strong belief in the private sector, that combination is perfect because you know, not only do you get the money but the advice and the enthusiasm, right?” ayon kay Aboitiz.
“At matagal nang paniniwala ko na magiging maganda ang dating ni Pangulong Marcos dito sa Davos. He is Western-educated at intelihente siya at articulate siya. To put it in English, he speaks their language,” ayon sa kongresista. EVELYN QUIROZ