PINAS HINIMOK MAKIPAGSABAYAN SA DIGITALIZATION

PARA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dapat nang makipagsabayan ang Pilipinas sa teknolohiya ng ibang bansa partikular ang digitalization.

Ito aniya ay upang mapagsilbihan nang wasto ang taumbayan gamit ang makabagong technological innovations sa digital at modern age ng banking system na maaaring magresulta na mas maraming trabaho at paglakas ng ekonomiya.

Sa kanyang pagharap sa inagurasyon ng Union Bank Innovation Campus sa San Pedro City, Laguna, sinabi ni Pangulong Marcos na isa sa magandang nangyari ngayong pandemya ay ang paggamit ng teknolohiya.

“We in government have gone a step further than that, not only, is it viable way of doing business, it is the only way that we will be doing business in the years to come, and therefore, we cannot allow the Philippines to get left behind,” ayon pa sa Pangulo.

Itinuring ni Marcos na ang inagurasyon ng UnionBank campus ay makapagpo-produce pa ng karagdagang inobasyon, ang mga mga techie people taglay ang forward-thinking, operations, at mga hakbang na kailangan ng bansa hindi lang sa pampribado kundi sa public sector.

Tiniyak din ng Pangulo ang partisipasyon ng pamahalaan para maging bahagi ng makabagong digital world.

“To sustain growth and promote new advances in this sector, it is my hope that you will explore the limitless possibilities and take advantage of the many bright ideas that our experts have so that we can generate more jobs and secure our nation’s economic revitalization,” bahagi ng talumpati ng Pangulo.

Kinilala rin ng Punong Ehekutibo ang ambag ng UnionBank sa paglikha ng oportunidad para sa inobasyon at digital solusyon at hindi anya matatawaran ang tulong nito sa banking sector.

“The track record of UnionBank in creating opportunities through innovation and digital solutions in the banking sector is uncontested. The opening of the UnionBank Innovation Campus shall intensify our collective efforts to bring our banking and ICT industries into the future,” dagdag pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ