INIHAYAG ni Philippine Foreign Secretary Teodoro Locsin kamakailan na inalis ng bansa ang restriksiyon sa Japanese food imports na ipinataw kasunod ng 2011 Fukushima nuclear disaster dahil sa mababang panganib ng radioactive contamination.
Pahayag ni Locsin sa isang miting sa kanyang Japanese counterpart Toshimitsu Motegi rito sa Maynila na inalis na ng Filipinas na kailangan pa ng radiation test results para sa mga shipment ng ilang klase ng seafood at agricultural products mula Fukushima at ang kapaligiran nito kamakailan.
“I look forward to safe Japanese food reaching many of the people of the Philippines,” pahayag ni Motegi sa isang joint press briefing matapos ang miting.
Kinailangang ng Southeast Asian country ang test para sa karneng baka at gulay mula sa Fukushima at Ibaraki, ganundin sa mga seafood mula sa dalawang prefectures, sa Tochigi at Gunma kasunod ng Marso 2011 triple meltdowns sa Fukushima Daiichi nuclear power plant, bunga ng napakalakas na lindol at tsunami roon.
May total na 54 bansa at rehiyon ang tumalima kasunod ng krisis. Sa pag-aanunsiyo ng Filipinas, bumaba ang bilang sa 20, na ang United States, China at South Korea sa mga bansa ang nananatiling may restriksiyon ng ilang klase, ayon sa farm ministry.
Nagkasundo sina Motegi at Locsin na magpataas ng security cooperation, na nakatutok sa pagsalungat sa militarisasyon ng China sa artipisyal na isla sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea, gayundin sa pagpapabuti ng economic cooperation kasama ang infrastructure development.
Kasunod ng miting, pumirma ang dalawa ng kasunduan para sa Japan na magbigay ng low-interest loan ng hanggang 4.4 billion yen ($40 million) para patatagin ang major bridges sa Maynila.
Comments are closed.