PINAS INALIS NA SA COUNTERFEIT WATCHLIST NG EU

EU

HINDI na kabilang ang Filipinas sa priority watchlist ng European Union (EU) pagdating sa banta sa intellectual property rights (IPR) nito, ayon sa biennial report ng European Commission.

Ipinalabas ng European Commission ang biennial watchlist nito na may titulong “Report on the protection and enforcement of intellectual property rights in third countries” na nag-alis sa Filipinas sa Priority 3 category dahil sa “very few complaints received from stakeholders and the increase in the relative importance of other countries for EU right holders”.

Ang priority counterfeit watchlist ay naghahanay sa mga ekonomiya base sa ‘level of concern’ at banta sa IPR holders ng EU, kung saan ang Priority 1 ang pinakamalaking banta habang ang Priority 3 ang pinakamaliit.

“Due to the few complaints, IPR holders in EU only deemed it strategic to put the Philippines aside and give more importance in looking after other countries that have an increasing potential to let loose on counterfeiting and piracy activities,” wika ni Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) officer-in-charge Teodoro Pascua.

Ito ang unang pagkakataon na naalis ang Filipinas sa anumang Priority category. Ilang taon bago ang 2015, ang Filipinas ay nasa Priority 2 category.

Ayon kay Pascua, ang pinakabagong report ng European Commission ay nagpapakita ng tagumpay ng National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR) sa pagsugpo sa piracy at counterfeiting sa bansa.

“NCIPR officials and officers are committed to going after IPR violators, finding it a meaningful duty to protect the country from the sabotage counterfeiting and piracy brings to an economy, culture, and overall national progress,” dagdag pa niya. PNA

Comments are closed.