(Pinas, Japan at US) HUMAN ASSISTANCE AT DISASTER RESPONSE EXERCISE

NAGKASUNDO sa kanilang trilateral summit ang Pilipinas, Estados Unidos at Japan na ilulunsad nila ang humanitarian assistance and disaster response exercise.

Sa Joint Vision Statement ng tatlong bansa, nangako ang mga ito na palalakasin pa ang ugnayan upang maisulong ang maritime domain awareness at mapalalim ang cooperation sa humanitarian assistance and disaster relief.

“We emphasize our commitment to advancing multilateral maritime domain awareness cooperation through such venues as the Indo-Pacific Partnership for Maritime Domain Awareness (IPMDA). We intend to identify and implement opportunities for combined training with Southeast Asian regional partners,” bahagi ng kanilang pahayag.

Ang hakbang ay inspirasyon sa kasalukuyang Balikatan kung saan layunin na makapagtatrabaho ang tatlong bansa para sa kanilang kapakanan.

“We are also launching a Japan-Philippines-U.S. humanitarian assistance and disaster response exercise, which could be integrated into trilateral or multilateral activities, including Balikatan 2025, to ensure our countries are ready and able to work together seamlessly and expeditiously in response to any crisis or contingency,” bahagi ng pahayag ng tatlong bansa .

Kasabay nito, inanunsyo rin nila ang pagtatatag ng trilateral maritime dialogue para mapahusay ang koordinasyon at kolektibong pagtugon para isulong ang kooperasyong pandagat upang tutukan ang ilegal, unreported at unrelated fishing.

Nangako rin sa isa’t isa ang US at Japan para sa patuloy na suporta sa Philippine Coast Guard’s (PCG) capacity building, kabilang ang sa pamamagitan ng probisyon kamakailan ng Japan ng 12 Coast Guard vessels at planong magbigay ng limang karagdagang sasakyang-dagat sa Pilipinas.

Bilang karagdagan, kasunod ng kauna-unahang joint exercise sa pagitan ng kanilang mga coast guard noong 2023, inaasahan ng US ang pagtanggap sa mga miyembro ng Philippine at Japan Coast Guard sa isang US Coast Guard vessel para sa pagpatrolya sa Indo-Pacific ngayong taon.

“Within the next year, our coast guards also plan to conduct an at-sea trilateral exercise and other maritime activities in the Indo-Pacific to improve interoperability and advance maritime security and safety,” nakasaad sa kanilang official statement.EVELYN QUIROZ