PINAS KAHANAY ANG JAPAN, SINGAPORE SA MODERATE RISK OF CORRUPTION

IKINOKONSIDERANG  nasa “Moderate” Risk of Corruption ang Pilipinas pagdating sa aspeto ng National Defense at Security Institutions.

Ayon sa Government Defence Integrity Index, na sumusukat sa kalidad ng management ng corruption risks sa naturang sektor, nakakuha ang Pilipinas ng 55/100 na puntos o moderate rating.

Kabilang din ang Australia, Japan, South Korea, at Singapore sa mga nakatanggap ng moderate rating.

Nakasaad sa ulat na ang “Institutional Resilience to Corruption” sa Defense Institutions ng bansa ay nasa “modest.”

Nasa “critical” risk sa korupsiyon ang Pilipinas pagdating naman sa internal audit, organized crime links, whistleblowing, high-risk positions, military doctrine offset competition at corruption monitoring in operations.

Habang nasa below average o “high” hanggang “very high risk for corruption” naman ang Pilipinas pagdating sa defense policy debate, compliance and ethics units, defence income, natural resources, intelligence services oversight, intelligence services recruitment, lobbying, legislative access to information, secret program auditing, access to information, defence spending, numbers of personnel, objective appointments, business compliance standards, competition in procurement, offset contracts, offset contract monitoring at financing packages. DWIZ882