IPINAGMALAKI ng Malakaniyang na aabot na sa 3.5 milyong Filipino na ang naisasailalim sa COVID-19 test sa buong bansa.
Ito’y bunsod na rin ng bumubuti nang critical care capacity ng bansa dahil natuto na ang pamahalaan sa mga pagkaka-mali nito sa nakalipas na mga panahon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tila naabot na ng Filipinas ang mababang mortali-ty rate sa COVID-19 na nasa 1.75% o katumbas ng 5,562 na naitalang bilang ng nasawi.
Dahil diyan, tiniyak ng pamahalaan na kayang-kaya na ng bansa na pangalagaan ang mga pasyenteng una nang nagpositibo sa COVID-19 mula sa mild hanggang severe cases. DWIZ882
Comments are closed.