KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lalagapak sa 9% ang poverty rate sa bansa pagsapit ng 2028.
Ayon kay 01, kayang maabot ang target sa gitna ng mga hamon ng inflation rate.
Sinabi ni Balisacan, na pinuno rin ng National Economic and Development Authority (NEDA), na ang 9 percent goal sa 2028 ay matutupad sa pamamagitan ng paglakas ng ekonomiya at pagpapaganda ng kalidad ng buhay sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho at pagsasaayos ng social protection system, at iba pa.
“But associated with that would be the generation of not just more jobs but higher quality jobs. And those two, growths and jobs and paying attention to social protection to address shocks like typhoons and crises… to enable us to achieve faster reduction of poverty from where it is today to single digit, at nine percent actually,” ayon kay Balisacan.
Ang pagtaya ay bahagi ng Philippine Development Plan 2023-2028 ng Marcos administration, na nagtakda sa eight-point program ng pamahalaan na may target at actionable plans na tutulong sa bansa para maisakatuparan ang greener economy at maging sustainable, affordable at livable residential areas sa susunod na anim na taon.
Una nang sinabi ni PBBM na ang GDP na mayroong rebound growth rate na 5.7-percent noong 2021 at ang 7.8-percent average growth rate ay nakamit sa unang anim na buwan ng 2022.
Naniniwala naman si Balisacan na may dahilan kung bakit positibo ang Pangulo na mapabibilis ang rapid growth recovery. EVELYN QUIROZ