PINAS KINAMPIHAN NG US, EU, JAPAN SA KASO NG AYUNGIN SHOAL

MARAMING  foreign governments ang kumampi sa Pilipinas matapos kanyuin ng tubig ng China Coast Guard ang mga bangkang galing sa Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, na ikinawasak ng mga sasakyang dagat at ikinasugat ng maraming mangingisda.

Unang umalma ang US sa hindi makataong pambu-bully ng China sa Pilipinas ng paulit-uli.

Nagpahayag din ang Japan ng “grave concern” sa nasabing insidente, dahil umaabuso umano ang China sa kanilang ginagawa.

Kahit ang New Zealand na datihang hiondi gaanong kumikibo ay nagpahayag din ng suporta sa Pilipinas, kasunod ang pahayag ni European Union (EU) Ambassador to the Philippines Luc Veron na lumampas sa itinakda ang China sa kanilang pambu-bully.

Nanawagan din siya sa lahat ng miyembro ng EU na suportahan ang Pilipinas dahil legal and binding umano ang 2016 Arbitration Award ng internationallaw na tahimik na resolbahin ang away ng Pilipinas at China.

Ayon naman sa pamunuan ng EU, ang ginawa ng China laban sa Pilipinas ay masasabing “constituted a dangerous provocation” at “put human lives at risk, undermine regional stability and international norms, and threaten security in the region and beyond.” Sa madaling sabi, simpleng pambu-bully ito sap ag-aakalang kayang kaya nila ang Pilipinas.

Nagpadala din ng hiwalay na statement sina Laure Beaufils ng United Kingdom at Dutch Ambassador sa Pilipinas sa pamamagitan ni Philippines Marielle Geraedts. Sinabi nilang mahalagang sundin ang international law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea. Hiniling ni Geraedts sa China sa sundin ang arbitral award na napanalunan ng Pilipinas noong 2016.

Kahit si Australian Ambassador to the Philippines HK Yu ay nagsabing ang insidente ay “part of a pattern of deeply concerning behaviour” ng China.

Nakiisa rin si French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel at sinabing hindi sila papayag na takutin o agawin ng sapilitan ang Ayungin Shoal, at mahalagang magkaroon ng pag-uusap upang maiayos ang lahat.

Panghuli, sinabi ni German Ambassador to the Philippines Andreas Pfaffernoschke na nababahala ang Germany sa mga nangyayari, kaya magpapadala sila uli ng mission ship para magbantay sa exclusive economic zone g Pilipinas. NLVN