PINAS KULANG NG 92K DOCTORS AT 44K NURSES

NAGKUKULANG  na ng mga healthcare worker ang Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ang inamin ng Department of Health sa pagharap sa Congressional inquiry hinggil sa annual deployment cap ng healthcare workers.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Kenneth Ronquillo, kulang ng 92,000 doktor at 44,000 nurse ang bansa.

Bukod pa ito sa shortage ng medical technologist na aabot sa 19,000; pharmacists, 14,000; radiologic technicians at radiologic technologists, 17,000.

Ang mga nasabing bilang ay batay sa datos ng Department of Labor and Employment.

Nito lamang Hunyo ay itinaas ng gobyerno ang quota para sa bilang ng mga health worker na idedeploy sa ibayong dagat na 5,000 hanggang 6,000. DWIZ882

94 thoughts on “PINAS KULANG NG 92K DOCTORS AT 44K NURSES”

Comments are closed.