LUMABAS na nasa ika-52 puwesto ang Filipinas sa resulta ng isinagawang pag-aaral ng Bloomberg sa may 53 bansa na sumukat sa katatagan sa pagharap sa pandemya dulot ng COVID 19.
Base sa inilabas na COVID Resilience Ranking ng Bloomberg, nakakuha ang Filipinas ng iskor na 45.3 puntos kasunod ang pinakakulelat na Argentina na nakakuha naman ng 37 puntos.
Nanguna sa listahan ang US na may 76 high resiliency score, sinundan ng 73.7 ng New Zealand, magkatulad na 72.9 ang nakuha ng Switzerland at Israel at panlima ang France sa iskor na 72.8.
Kasama sa bumuo sa Top 10 ay ang Spain (72), Australia (70.1), China (69.9), United Kingdom (68.7) at South Korea (68.6).
Kahanay naman ng Filipinas sa ‘Bottom 10; ang ilang katabing bansa gaya ng Malaysia (46.6), Indonesia (48.2), Taiwan (52.1) gayundin ang India (47,7) Colombia (48.6), Pakistan (50.7) Banglad) at Peru (51.4).
Nabatid na ibinase ang resulta ng pag-aaral sa percentage ng mamamayan ng isang bansa na nabakunahan, ang uri ng lockdown, flight capacity, vaccinated travel routes, one month cases per 100,000 population, one month case fatality rate, total deaths per 1 million people at positivity rate.
“India, the Philippines and some Latin America countries rank lowest amid a perfect storm of variant-driven outbreaks, slow vaccination, and global isolation,” pahayag pa ng Bloomberg.
Hindi naman kumporme ang National Task Force Against COVID-19 sa pahayag na mahina o mabagal ang Filipinas sa kanilang paglaban sa corona virus dahil sa kabagalan ng vaccination campaign.
Ayon kay Secretary Carlito G Galvez, NTF Against COVID-19 CHIEF Implementer at Vaccine czar, sa gitna ng kakulangan ng bakuna ay nagawa nilang mag- administer ng 10,065,414 vaccine doses sa buong bansa nitong nakalipas na linggo at tataas pa ito dahil nagsimula na namang mag-roll out sila ng bakuna nitong Lunes.
Sa nasabing bilang, 7,538,128 individual ang tumanggap ng kanilang first dose, habang nasa 2,527,286 naman ang deklaradong fully vaccinated.
“Very significant ito dahil bagamat maraming hindi naniwala, nakapagbakuna tayo ng limang milyon sa loob lamang ng isang buwan. Malayo ito sa isang milyong nagawa natin sa loob ng 40 araw noong tayo’y nagsisimula pa lang,” ani Galvez.
“Pero nakita rin natin na ‘yung 10 million [jabs administered] is very small compared to our target of 70 million Filipinos to be inoculated,” dagdag pa ng dating heneral.
Kaugnay nito ay inihayag ng Department of Health (DOH) na patuloy pang bumaba ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa matapos iulat ng independent group na OCTA Research na nasa 0.92 na lang ang reproduction number (R-Naught) ng coronavirus. Habang 0.80 ang antas nito sa National Capital Region.
Ang R-Naught ay bilang ng mga taong nahahawahan ng isang kumpirmadong kaso ng COVID-19. VERLIN RUIZ
416351 650476very excellent put up, i surely love this web site, keep on it 137619
740649 971232Completely composed content material material , thankyou for data . 273460