LALAGDA ngayong araw sa tripartite agreement sa AstraZeneca ng United Kingdom ang pamahalaan para masigurong darating sa bansa ang 20 million doses ng bakuna laban sa coronavirus disease.
Ito ang inihayag ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at nilinaw rin na ang pinapayagan ang local government units at private sector na lumagda sa kasundunan sa AstraZeneca kung nais bumili ng vaccine sa pamamagitan ng national government.
Bagaman patuloy ang pagbabakuna sa ibang bansa, ibinida ni Galvez na hindi naman huli ang Filipinas sa immunization program.
“We are not being left behind because we are ahead in signing (for COVID-19 vaccines), we have 30 million (doses) with COVAX and 25 million with (China’s) Sinovac,” ayon kay Galvez.
Sa record, inaasahang parating na sa bansa ang unang tranche ng 50,000 doses ng Sinovac.
Idinagdag pa ni Galvez na ang national government ay naghanda ng P82.5 billion para sa pagbili ng vaccines at nakikipagnegosasyon na sa pitong COVID-19 vaccine manufacturers.
“Based on our current negotiations, our negotiations with the seven vaccine (manufacturers) are successful. We will be able to purchase at least 148 doses from seven pharmaceutical companies, more than 100 million doses have been fully secured for production,” pahayag ni Galvez.
Bukod sa pakikipagnegosasyon sa pitong drug manufacturer, may mga pag-uusap pa ang pamahalaan sa pamamagitan ng COVAX facility at umaasang makatatanggap ang bansa ng buong subsidized doses para sa 20percent ng populasyon ng bansa na nasa 18 milyon.
Target ng pamahalaan na mabakuhan ngayong taon ang nasa 50 hanggang 70 milyong Filipino para makamit ang herd immunity. EVELYN QUIROZ
LGUs NA WALANG PONDO BIBIGYAN NG VACCINE
ANG national government ang magbibigay ng anti-COVID19 vaccines sa mga local government unit na walang pondo.
Ito ang tiniyak ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at sinabing target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 percent ng populasyon ng LGUs.
“We will make the allocation equitable and if they have already, the allocation is 70 percent, (if for instance the LGU) buys only 30 percent, the (national) government will fill in the 40 percent,” ayon kay Galvez.
“The LGUs which cannot buy because they do not have fund, we will be the one to fill in the whole 70 percent,” dagdag pa ng kalihim.
Babalikatin din aniya ng pamahalaan ang iba pang supply gaya ng syringes, cottons, personal protective equipment, at cold chains.
Magugunitang ang ibang LGUs ay nakalagda na sa multilateral agreements sa AstraZeneca para sa supply ng COVID-19 vaccines.
Tinanong na rin aniya ng kanyang mga tauhan ang mga LGU para sa maagang paghahanda para sa vaccination kapag dumating na ang bakuna.
“We have given them the seven areas that they have to prepare, such as they have to prepare the master list of those who will be vaccinated, at the same time, master list of the vaccination centers,” ani Galvez.
Pinayuhan din ni Galvez ang LGUs na magsagawa ng massive information drive para sa inoculation program.
Pinayuhan din nito ang LGUs na makipag-coordinate sa provincial governors at sa League of Cities o sa League of Provincial Governors. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.