NAKATAKDANG lumagda ang Filipinas sa supply agreement sa US Novavax company para sa 30 million doses ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ang inanunsiyo sa televised press briefing kahapon sa Davao City ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Nabigo naman si Roque na tukuyin kung magkano ang halaga ng bakuna na bibilhin mula sa Novavax.
Lumipad patungong India si National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. para lagdaan ang supply agreement para sa nabanggit na bakuna.
Ang Novavax, Inc. ay ka-tie up ng Serum Institute of India para mag-manufacture ng naturang COVID-19 vaccine.
Samantala, ang supply agreement sa Johnson & Jonhson ay kasalukuyang nasa negotiation stage, ayon kay Roque.
Kamakailan ay lumagda ng supply agreement sa Moderna para sa 13 million doses ng vaccine, kabilang ang 7 million na kabahagi para sa pribadong sektor at ang purchase order para sa 1 million doses ng Sinovac vaccine mula China.
Iniulat din ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang televised “Talk to the People” noong Lunes ng gabi na umaabot na sa 44,000 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa mga healthcare workers at 463,000 doses naman ang nai-deliver na sa mga vaccination site.
Sa ngayon ay ang Sinovac at UK’s AstraZeneca brands pa lamang ginagamit para sa vaccination program ng gobyerno sa Filipinas. EVELYN QUIROZ
702644 172468camping have been the most effective activity that we can have during the summer, i really like to roast marshmallows on a campfire` 179114