PATUNAY nito, ibinahagi ng Pilipinas sa isang international tourism trade fair sa Madrid, Spain ang kagandahang taglay ng bansa.
Ilan sa mga ibinida ng Pilipinas bilang major tourism destinations ay ang Palawan, Siargao, Bohol, Cordilleras, Bicol at Calabarzon.
Layunin ng paglahok ng Pilipinas sa nasabing fair ay upang dumami pa ang bilang ng Spanish at iba pang European tourists na bumibisita at mamamasyal sa Pilipinas.
Maliban dito, nagkaroon din ng pagkakataon ang Department of Tourism (DOT) office sa London na makipagpulong sa mga kumpanya at indibidwal upang mai-promote ang Philippine tourism sites sa mga dayuhang nakilahok sa event.
Ang nasabing trade fair ay nilahukan ng mga dayuhan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. LIZA SORIANO