PINAS MAAARING MAPASAMA SA INTERNATIONAL “GREY LIST” —AMLC

AMLC

IBINABALA  ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na posibleng mapabilang ang Filipinas sa international “grey list” kung mabibigo itong maipasa ang kontro­bersiyal na Anti-Terrorism Bill.

Ito ang binigyang-diin ng AMLC kung saan dapat aniyang maipasa at maayos na maipatupad ng bansa ang Anti-Terror Bill.

Sa pahayag ng AMLC, sinabi nito na dapat ipakita ng Filipinas na kaya nitong tugunan ang terorismo upang hindi mapabilang sa tinatawag na “grey list” ng mga bansang walang sapat na batas na tutugon sa global money laundering rules at terorismo.

Anila, dapat kasi na ipakita ng pamahalaan na may pangil ang batas laban sa terorismo, dahil malaki ang magiging epekto sa ekonomiya kung mapabilang ito sa “grey list” ng Intergovernmental Financial Action Task Force.

Una rito, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na malaki ang tsansa na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang panukala. DWIZ882

Comments are closed.