PINAS MAG-AANGKAT NG 1.2-M TONELADANG BIGAS

NAKATAKDANG  mag-angkat ng 1.2 milyong tonelada ng bigas ang mga negosyante ng pa­ngunahing pagkain sa Filipinas, ayon sa state grains agency spokeswoman sa isang panayam kamakailan, sa pagtanggal ng Southeast Asian country ng dalawang dekadang cap sa pagbili.

Ang mas malaking pagbili ng bigas ng Fili­pinas, na isa na ngayong nangungunang nag-aangkat at konsyumer ng pangunahing pagkain ay makapagpapalakas ng export prices sa Vietnam at Thailand, na dati ng supplier ng bansa.

Bumagsak ang presyo sa Vietnam noong nagdaang linggo, mas nauna sa pinakamalaking ani ng bansa ngayong buwan habang ang merkado ng Thailand ay nakikitang may dagdag ng supply hanggang katapusan ng Enero mula sa seasonal harvest.

Nag-order si Presidente Rodrigo Duterte noong Oktubre ng  “malayang” pag-angkat ng bigas matapos na mag-shot up ang inflation ng bansa sa 6.7 percent noong Setyembre at Oktubre, ang pinakamataas sa halos isang dekada, bahagi nito dahil sa presyo ng pagkain.

Inaprubahan ng National Food Authority (NFA) ang inisyal na aplikas­yon mula sa 180 rice traders para sa permit na makapag-import ng total na 1.186 million tonnes ng alinman sa 5-percent o 25-percent broken white,” pahayag ng  NFA spokeswoman.

“We have not set any deadline for accepting applications to import rice. There’s no more limit,” sabi niya.

Pinapayagan ang mga importer na magpasok ng bigas mula sa alinmang bansa, pero ang butil na galing sa Southeast Asian suppliers ay papatawan ng tariff ng 35 percent habang ang galing sa ibang lugar ay papatawan ng 50-percent charge.

Inaprubahan ng mga mambabatas ang bill na nag-aalis ng import cap import cap sa rice imports at papalitan ito ng tariff.  Hindi malayong pirmahan ito ni Duterte at isabatas “agad”, sabi ni presidential spokesman Salvador Panelo kamakailan.

Gumaan ng inflaton ng Pilipinas noong Nobyembre at Disyembre at nakatulong sana ang rice tariffication law ngayong taon ng mahigit pa sa 0.7 percentage point, pahayag ng central bank. Ang bigas ang pinakamalaking  food item sa consumer price index ng bansa.

Comments are closed.