NANINIWALA si Philippine Olympic Committee President at Cavite Rep. Bambol Tolentino na may malaki ng tsansa na makapag-host ng international sports events ang bansa.
Ito ay dahil mayroon nang world-class sports facilities ang Filipinas kaya puwede na talagang mag-bid ang Filipinas sa 2030 Asian Games.
Ayon kay Tolentino, nakausap niya si Olympic Committee of Asia Vice President Wei Jizhoung at ito mismo ang nagsabing sumulat na agad sa International Olympic Committee para makapag-bid ang bansa.
Humanga si Jizhoung sa opening ceremony ng SEA Games at sa pasilidad na hindi nakita sa ibang bansa.
Sinabi pa ni Tolentino na nakausap niya ang mga opisyal ng Thailand at Indonesia na nagsabing magwi-wave na sila sa hosting ng Asian Games kapag nag-bid ang Filipinas dahil wala sila ng ibang pasilidad na mayroon ang bansa gaya na lamang ng bagong Tagaytay BMX-track. CONDE BATAC
Comments are closed.