PINAS MAY KAKAYAHANG MAGBAYAD NG UTANG

Finance Secretary Carlos Dominguez III-3

KUMPIYANSA si Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III sa kakayahan ng pamahalaan na magbayad ng mga utang na ginamit sa pagtugon sa epekto ng COVID-pandemic.

Sa kanyang pagsasalita sa webinar na may titulong “Philippines as Pathway to Asia in Post-Pandemic World” at hinost ng Philippine embassy sa Washington DC, sinabi ni Dominguez na ang paglaban sa pandemya ay magastos dahil kailangang magkaloob ang pamahalaan ng subsidiya sa mga manggagawa na naapektuhan ng movement restrictions, gayundin ang masiguro ang karagdagang mga pondo para sa iba pang social protection programs.

Ayon kay Dominguez,  ang emergency cash grants pa lamang na ibinigay sa may 18 million low-income families at ang subsidiya sa may tatlong milyong maliliit na manggagawa ay nagkakahalaga na ng USD5 billion.

Aniya, nakakuha ang gobyerno ng may USD10.1 billion na halaga ng loans mula sa development partners at commercial fund sources upang tustusan ang COVID-19 response programs.

“Fortunately, the Philippines quickly accessed emergency loans from our development partners and commercial markets at very low rates, tight spreads, and longer repayment periods. With our enduring financial strength, we will meet these obligations,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ng finance chief na ang fiscal discipline na ipinatupad ng administrasyong Duterte magmula nang pamunuan ang pamahalaan noong mid-2016 ay nagbigay-daan para magkaroon ng mga pondo para sa priority infrastructure program at social protection programs nito.

“As a result, we were able to bring up our revenue effort to 16.1 percent of GDP (gross domestic product) in 2019 from 15.1 percent in 2015. This is our best performance in more than two decades.”  PNA

Comments are closed.