PINAS MAY PINAKAMABABANG KASO NG COVID-19

SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na ang Pilipinas ang may pinakamababang kaso ng COVID-19 sa Timog Silangang Asya sa kabila ng banta ng Omicron variant.

“What we are saying is that compared to other Asean countries when it comes to cumulative confirmed cases, we are just fifth, and that meant that our Covid response has been very good,” sinabi ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay may kabuuang pinagsama-samang kaso ng Covid-19 na 3.67 milyon.

Sinabi ng Our World in Data na nangunguna ang Vietnam na may siyam na milyong kaso, sinundan ng Indonesia at Myanmar na may tig-apat na milyong kaso at Thailand na may 3.6 milyong kaso.

Dagdag ni Duque na ang Pilipinas ay nasa pinakahuling ranggo rin sa mga pinagsama-samang bagong kaso bawat araw, na may 225 na kaso lamang ang naiulat noong Martes, Abril 5, kumpara sa Vietnam na 48,000 at 21,000 sa Thailand.

Naniniwala siya na ang dahilan kung bakit hindi umabot ang bansa sa inaasahang peak na 40,000 kaso ay dahil sa agresibong pagbabakuna ng Department of Health (DOH) at sa kautusan ng Pangulo na mahigpit na ipatupad ang health protocols. LIZA SORIANO