PINAS MAY PINAKAMALAKING DELEGASYON SA SEA GAMES

SEA GAMES

BILANG host, ang Fi­lipinas ang may pinakamalaking de­legasyon – 1,868 kasama ang 1,245 atleta (712 men at 533 women) at  623 opisyal – sa 2019 Southeast Asian Games na lalarga sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Si Presidente Rodrigo Roa Duterte ang magiging panauhing pandangal sa opening ceremony ng biennial meet kung saan sasamahan siya nina Phil-ippine Sports Commission (PSC) chairman at Chief of Mission William ‘Butch’ Ramirez, Philippine Olympic Committee (POC) president at Con-gressman Abraham ‘Bambol’ Tolentino at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee  (Phisgoc) chief at Speaker Alan Peter Cayetano at ng foreign luminaries ng Southeast Asian Games Federation.

Pumapangalawa ang Indonesia na may 1,688 delegation (1,125 athletes), sumusunod ang Singapore, 1,591 (1,062 athletes); Thailand, 1,462 (1,048 athletes); Malaysia, 1,076 (824 athletes); Myanmar, 952 (774 athletes); Vietnam, 890 (627 athletes); Cambodia, 510 (413 athletes); Laos, 419 (313 ath-letes); Brunei, 257 (171 athletes); at Timor Leste na may 221 (169 athletes).

Sinabi ni Ramirez na normal sa isang host country na malaki ang delegation para malaki ang tsansa na manalo ng maraming medalya at makuha ang overall championship.

“This is the main reason we fielded many athletes to maximize the medal potentials,” sabi ni Ramirez.

Ang 1,868 delegation ay mahigit kalahati ang laki sa mahigit 700 na ipinadala sa 2017 edition sa Malaysia noong 2017 kung saan nag-uwi ang bansa ng 28 gold medals.   CLYDE MARIANO

Comments are closed.