NAGHAIN ng diplomatic protests ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa Tsina dahil sa pagtututok ng radar gun sa barko ng Philippine Navy at pagdedeklara sa teritoryo ng Filipinas na bahagi ng Hainan province.
Sinabi ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr., ang hakbang ng Tsina ay malinaw na paglabag sa international law at sa soberanya ng bansa.
Sa tweet ni Locsin, sinabi niya na inihain niya ang dalawang diplomatic protest sa Chinese Embassy sa Manila kamakalawa.
Ayon pa sa tweet ng kalihim, “@DFAPHLWE worked on this the whole day. And that is all that will be said on it because diplomatic notes are strictly confidential between the two states parties.”
Inaasahan din umano ni Locsin na wala nang magkokomento sa gobyerno tungkol dito dahil wala silang kakayahan dito at tanging si Pangulong Duterte lang ang maaring maghayag nito bilang alter ego niya. VICKY CERVALES