PINAS NAKAAHON NA SA RECESSION (Ekonomiya lumago ng 11.8% sa Q2)

Dennis Mapa

NAKAAHON na ang Pilipinas sa recession sa second quarter ng 2021, kung saan lumago ang ekonomiya ng 11.8 percent matapos ang limang sunod na quarters sa negative territory, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“This was the highest since the 12 percent growth in the fourth quarter of 1988,” wika ni National Statistician Dennis Mapa.

Ayon kay Mapa, ang pinakahuling annual growth ay naitala makaraan ang low base na -16.9 percent sa second quarter ng 2020 nang magsara ang maraming negosyo dahil sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ).

Kasunod din ito ng revised 3.9 percent contraction sa first quarter at ng 8.3 percent drop sa fourth quarter ng 2020 sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa hanay ng major economic sectors, ang industry ay lumago ng 20.8 percent at services ng 9.6 percent, habang ang agriculture sector ay bumaba ng  0.1%.

Ang pangunahing contributors sa paglago ay ang construction na tumaas ng 25.7 percent; manufacturing, 22.3 percent; at whole and retail trade at repair of motor vehicles and motorcycles, 5.4 percent.

“Household final consumption expenditure (HFCE) increased by 7.2 percent, gross capital formation by 75.5 percent, exports by 27.0 percent, and imports by 37.8 percent,” ayon sa datos ng PSA.

Bumaba naman ang final consumption expenditure ng pamahalaan ng 4.9 percent, gayundin ang net primary income ng 53.8 percent. Samantala, ang gross national income ay lumago ng 6.6 percent.

“The robust performance is driven by more than just base effects. It is the result of a better balance between addressing COVID-19 and the need to restore jobs and incomes of the people,” paliwanag ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua.

Gayunman, quarter-on-quarter, ang second-quarter economic growth ay mas mababa ng 1.3 porsiyento kumpara sa first quarter sa seasonally adjusted basis.

“Between the first and second quarter, from GCQ (general community quarantine) or MGCQ (modified GCQ), we had to tighten a bit and that explains the slight reduction in the seasonally adjusted quarter-on-quarter,” ani Chua.

“Had we not managed the risk better and allowed most sectors to operate and implement and enforce the health protocol, that seasonally adjusted quarter-on-quarter would have been worse,” dagdag pa niya.

16 thoughts on “PINAS NAKAAHON NA SA RECESSION (Ekonomiya lumago ng 11.8% sa Q2)”

Comments are closed.