‘PINAS NASA SECOND WAVE NA NG COVID-SEC. DUQUE

Francisco Duque2

NARARANASAN na ng Filipinas ang second wave o pangalawang bugso ng coronavirus disease  (COVID-19) transmission sa bansa.

Ito ang inamin mismo ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole nitong Miyerkoles.

Ipinaliwanag ni Duque na ang unang bugso ng virus ay tumama sa bansa noong Enero kung saan tatlong imported na kaso ang nadiskubre.

“Actually nasa second wave na po tayo. ‘Yung first wave nag-umpisa, batay po sa ating mga batikang epidemiologist, na ang first wave natin happened sometime in January—noong nagkaroon po tayo ng tatlong kaso ng mga Chinese nationals from Wuhan,” sagot ni Duque sa pagtatanong ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa virtual Senate hearing.

Gayunman, hindi sinabi ni Duque kung kailan nagsimula ang second wave.

“Ginagawa natin ang lahat para maflatten ‘yung epidemic curve at para magkaroon tayo ng sapat na panahon na mapaunlad at mapataas ang ating kakayahan sa sistemang pangkalusugan,” pahayag ni Duque.

Sa DOH COVID-19 case bulletin #067, hanggang alas- 4:00 ng hapon  ng Mayo 20 ay umakyat na sa kabuuang 13,221 ang mga kaso ng sakit sa bansa makaraang madagdag ang 279 bagong kaso sa nakalipas na 24 oras.  CNN Philippines

 

Comments are closed.