PINAS NILINAW NA NASA LOW RISK NA SA COVID-19

INIULAT ng Department of Health (DOH) na nasa low risk classification na ngayon ang bansa sa COVID-19 matapos na makapagtala ng negative growth rate sa mga kaso ng sakit at mas mababang average daily attack rate (ADAR).

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau director, Dr. Alethea de Guzman, kung pagbabatayan ang two-week growth rate ng COVID-19 infections sa bansa ay bumaba na ito sa -9% nitong nakaraang isa hanggang dalawang linggo kumpara noong nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo na nasa 15%.

Maging ang ADAR ng virus ay bumaba na rin aniya sa 5.42 mula sa dating 5.96 nitong nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo.

“Dahil negative ang ating two-week growth rate at ang ating ADAR ay naka-moderate risk na at 5.42, the risk classification nationally is already at low risk,” ulat pa ni De Guzman sa isang online media forum.

Nabatid na ang ADAR ay ikinokonsiderang high risk kung makaabot ito ng 7 per 100,000 population.

Sinabi pa ni De Guzman na kung ang pagbabatayan naman ay ang mga naitatalang COVID-19 ngayon, malayo pa rin ito sa peak ng mga kaso na naitala noong Disyembre ng nakaraang taon at Enero ngayong taon na ang mga naitatalang bagong kaso kada araw ay nasa mahigit 1,000 hanggang 2,000 lamang.

Batay sa datos ng DOH, bagamat mabagal ay patuloy pa rin namang bumababa ang mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) habang mas maraming kaso ng sakit sa ngayon na naitatala sa Central Luzon at Calabarzon.

Pero may ilang lungsod sa NCR ang nananatiling nasa High Risk dahil sa mataas na daily attack rate, kabilang dito ang Pateros, Makati, at San Juan.

Sa Plus Areas naman aniya napag-iwanan ang Laguna na may mataas pa ring kaso ng COVID-19.

Aniya, nakipag-ugnayan na ang DOH sa DILG at lokal na pamahalaan para matukoy ang dahilan sa patuloy na pagtaas ng kaso sa lalawigan.

Samantala, ang Davao Region, Western Visayas, Soccsksargen, at Eastern Visayas naman ay nasa high risk para sa COVID-19 matapos na makapagtala ng mataas na growth rates at ADAR sa nakalipas na dalawang linggo.

Ang Caraga at Central Visayas naman ay nasa moderate risk habang ang ibang bahagi ng rehiyon, kabilang ang Metro Manila, ay nasa low risk na rin.

Hanggang nitong Miyerkoles, nakapagtala na ang Pilipinas ng mahigit sa 1.4 milyong kumpirmadong kaso ng COVID-19, kabilang dito ang mahigit sa 48,000 aktibong kaso. Ana Rosario Hernandez

6 thoughts on “PINAS NILINAW NA NASA LOW RISK NA SA COVID-19”

  1. 436987 425749Thanks for the sensible critique. Me and my neighbor were just preparing to do some research about this. We got a grab a book from our area library but I feel I learned much more from this post. Im really glad to see such fantastic info being shared freely out there. 262073

Comments are closed.