PINAS NO. 1 SA TUMANGGAP NG US GRANTS

US-PH-FLAGS

INIHAYAG ng Estados Unidos na ang Filipinas ang may pinakamalaking natanggap na US military assistance sa Asia Pacific Region kung saan nitong nakalipas na taon ay umaabot ito sa mahgit $95 million.

Ginawa ng US Embassy ang pahayag matapos na paalalahanan ni US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs Randal Schriver  ang gobyerno ng Filipinas na maghinay-hinay sa pagbili ng mga military equipment sa ibang bansa gaya ng Russia dahil kaakibat nito ang relas­yon ng bawat bansa.

Kasunod ng ginawang courtesy call ni Schriver kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ay naglabas ng talaan ang US embassy ng mga ayudang naipagkaloob nila sa Filipinas na may kaugnayan sa AFP modernization.

Ayon kay Molly Koscina, US Embassy spokesperson, mula ­Enero 2017, pinondohan ng US grants ang pag-deliver ng military equipment sa AFP na nagkakahalaga ng $95 million.

Kabilang dito ang Raven tactical UAV system na nagkakahalaga ng P60 million, 200 Glock pistols, 300 M4 carbines, 100 grenade launchers, individual operator gear at apat na helicopter-mounted mini-guns na may kabuuang halaga na P250 million; 25 combat rubber raiding craft at 30 outboard motors na may halagang P250 million; dalawang C-208 Cessna aircraft para sa Philippine Air Force kasama ang pilot training na nagkakahalaga ng P1.6 billion; tethered Aerostat at radar system para sa Philippine Navy na nagkakahalaga ng P923 million; at samu’t saring medical equipments at supplies na nagkakaha­laga ng P1 million.

Ngayong 2018, natanggap ng Filipinas mula sa Estados unidos ang isa pang batch ng 41 rubber boats na may outboard engines na nagkakahalaga ng P41 million, Scan ­Eagle Unmanned aerial surveillance drones na nagkakahalaga ng P687 million, 525 sets ng ballistic vests, lightweight ballistic plates, tactical ballistic helmets na nagkakahalaga ng P178 million, at Special Airborne Mission Installation and Response (SABIR) system para sa C-130 aircraft na nagkakahalaga ng P807 million.

“The Philippines is by far the largest recipient of U.S. military assistance in the region, supporting the AFP’s modernization goals through a variety of programs and initiatives.  In the past few years the United States has delivered millions of dollars of planes, ships, armored vehicles, and small arms to the Philippines, while also training side by side with our Filipino allies,” ayon sa kalatas na ibinahagi ng US Embassy sa Manila sa mga miyembro ng media. VERLIN RUIZ

Comments are closed.