NAITALA ang Filipinas na nangunguna sa lahat ng mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na malala ang trapiko, at pang-siyam sa buong mundo.
Batay sa 2020 Traffic Index ng Numbeo sakop ang 81 bansa, nagsagawa ng assessment kaugnay sa ilang factors tulad ng average time na ginugugol ng isang pasahero o motorista sa trapiko, estimated time ng dissatisfaction, overall inefficiencies sa traffic system at carbon dioxide consumption sa trapiko.
Kapag mataas ang score sa index, ibig sabihin ay mababa ang traffic quality.
Nakakuha ang Filipinas ng 198.84 points na traffic index, mataas sa Colombia na nasa ika-10 puwesto na nasa 198.41.
Sa ASEAN, mas malala ang trapiko sa Filipinas, kumpara sa Indonesia na may 194.61 traffic index, kasunod ang Thailand (170.60), Malaysia (169.14), Singapore (148.61), at Vietnam (111.12).
Sa buong mundo ang Nigeria ang may pinakamalalang trapiko na may score na 308.03, pangalawa ang Sri Lanka, sumunod ang mga bansang Kenya, Bangladesh, Egypt, Iran, Peru, India, Filipinas, at Colombia.
Ang Numbeo ay nagbibigay ng napapanahong impormasyon kaugnay sa kondisyon ng pamumuhay sa mundo kabilang ang healthcare, polusyon, cost of living, pabahay, trapiko, at krimen. BENJARDIE REYES
Comments are closed.