UMAKYAT sa ika-24 na puwesto ang Filipinas sa listahan ng mga bansang mainam na tirahan o mamuhay at magtrabaho kasunod ng Estados Unidos na nasa ika-23rd puwesto.
Batay ito sa 2019 HSBC Expat’s Annual Survey na itinampok sa isang artikulo ng Forbes kung saan umakyat ng dalawang puwesto ang Filipinas mula sa ika-26 noong nakaraang taon.
Ayon sa Forbes, isinagawa ang survey sa 18,000 mga expats sa 163 mga lugar sa buong mundo.
Anila, tatlong sukatan ang ginamit sa survey na kinabibilangan ng kabuhayan, oportunidad sa career o trabaho at buhay pamilya.
Batay sa artikulo, maituturing na kagulat-gulat ang pag-angat ng Filipinas sa listahan lalo’t batid sa buong mundo na maraming Filipino ang nag-tatrabaho at mas gustong manirahan sa ibang bansa at usapin ng kampanya kontra ilegal na droga.
Gayunman, tinukoy ng expats ang madaling paglipat sa Filipinas dahil sa mga palakaibigang mga Filipino, makutuwirang cost of living sa bansa at matatag na ekonomiya. KRISTA DE DIOS-DWIZ882
Comments are closed.