INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglikha ng isang organizing committee na mangangasiwa sa paglahok ng Filipinas sa Expo 2020 Dubai.
Ang expo ay gaganapin sa Dubai, United Arab Emirates sa October 20, 2020 hanggang April 10, 2021 at inaasahang makaaakit ito ng 25 million visits at partisipasyon ng hindi bababa sa 190 bansa.
Bilang paghahanda sa world expo, si Pangulong Duterte ay nagpalabas ng Administrative Order 17 noong April 24 na nag-aatas sa paglikha ng Philippine Organizing Committee na pamumunuan ng kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ang Tourism Secretary ay magsisilbing vice chairperson, kasama ang mga kalihim ng foreign affairs, budget and management, labor and employment, science and technology, at information and communications technology bilang mga miyembro.
“The organizing committee is mandated to come up and implement a theme of the Philippines which will present the country as an ideal destination for trade, tourism, and investments and showcase the best of Filipino culture and heritage, while adhering to the over-all themes and sub-themes of the Expo 2020 Dubai.”
Dapat ding tiyakin ng komite na ang mga benepisyo ng partisipasyon ng Filipinas ay ma-maximize sa pamamagitan ng ‘concerted and cost-effective national approach’.