PINAS SA ILO CONVENTION: MIGRANT WORKERS PROTECTION PAIGTINGIN

USEC-Joel-Maglunsod

GENEVA – PINAIGTING ng Pilipinas ang panawagan nito sa nagkakaisang aksyon ng mga bansa para sa pagpapalawak ng proteksiyon ng mga ­migranteng manggagawa.

Sa pahayag na binasa sa plenary session ng ika-107 na sesyon ng International Labor Conference sa Geneva, Switzerland, binigyang diin ng Pilipinas sa mga dumalong bansa na dapat magpatupad ng mga hakbangin upang tugunan ang mga hindi nararapat na gawain tulad ng ha­rassment sa trabaho, higit lalo sa mga kababaihang manggagawa.

“Ang tema ng pulong na ‘Women at Work’ ay napapanahon kasunod na rin nang hindi katanggap-tanggap na karanasan ng mga Filipinong overseas worker nitong mga nakaraang buwan,” ayon sa statement ni Labor Secretary Silvestre Bello III na binasa ni Undersecretary Joel Maglunsod.

Magugunitang na­tuon ang pansin ng mundo sa Pilipinas kasunod ng mga ulat ng umano’y pagkamatay at pang-aabuso sa mga Pilipinang manggagawa sa gitnang silangan. Mayroong mga ulat ng pagkamatay, pang-aabuso, at ilang kaso ng panggagahasa sa mga household service workers.

Dagdag pa rito, upang maresolba ang problema, patuloy ang pamahalaan sa kampanya nito na bigyang kaalaman ang mga bansang tumatanggap ng manggagawa kaugnay sa patas na karapatan at kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).

Binigyang-diin din ng statement na: “Ma­rami pang kinakailangan gawin. Ilan rito ang mas pinaigting na pagtutulu­ngan upang makapagbigay ang mga pamahalaan at stakeholder ng mas ligtas at naaayong migration blueprint sa mga manggagawa.”

Sa panghuling bahagi ng statement: “Nais naming hingin ang inyong tugon. Kailan ba matatapos ang kulturang ito ng hindi pagkakapantay-pantay?” PAUL ROLDAN

5 thoughts on “PINAS SA ILO CONVENTION: MIGRANT WORKERS PROTECTION PAIGTINGIN”

  1. produce,Document represented too much time for too long to say I do have sick, how could you nevertheless hardly understand? I personally jot far too much too much We now have written and published depleted, you continue to don’t get precisely how

  2. 616716 945407Of course like your website but you require to check the spelling on several of your posts. Several of them are rife with spelling issues and I find it really bothersome to tell the truth nevertheless Ill undoubtedly come back once again. 418214

  3. Considerably, the article is really the greatest on this worthw hile topic. I concur with your conclusions and also definitely will eagerly look forward to your approaching updates. Saying thanks will certainly not simply just be sufficient, for the exceptional clarity in your writing. I can at once grab your rss feed to stay informed of any kind of updates. Genuine work and much success in your business dealings!

  4. 646590 461843Hi there! I could have sworn Ive been to this website before but after reading by means of some with the post I realized it is new to me. Anyhow, Im certainly glad I located it and Ill be book-marking and checking back often! 741534

Comments are closed.