PINAS SIGURADO NA SA ISA PANG OLYMPIC MEDAL (Petecio umabante sa semis)

MATAPOS ang gold medal performance ni Hidilyn Diaz noong Lunes ng gabi ay nakasisiguro na ang Pilipinas ng isa pang medalya sa 2020 Tokyo Olympics.

Ito ay kasunod ng panalo ni Filipina boxer Nesthy Petecio sa quarterfinals ng women’s featherweight division, Miyerkoles sa Kokugikan Arena.

Tinalo ni Petecio si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia via unanimous decision upang umabante sa semifinals.

Dalawang judges ang nagbigay ng iskor na 30-27 pabor sa Pinoy boxer at nakakuha siya ng 29-28 mula sa tatlong iba pang judges.

Sa panalo ay nakasisiguro na si Petecio ng bronze medal. Kailangan na lamang niya ng dalawang panalo para sa gold medal.

Umabante si Petecio sa quarterfinals round makaraang gibain si top-seeded Lin Yu-Ting  ng Chinese Taipei noong Lunes.

Ito na ang pinakamaraming medalya na napanalunan ng isang Philippine contingent magmula noong 1932 Summer Games sa Los Angeles, USA.

Sa naturang edition, tatlong bronze medals mula kina Teofilo Yldefonso (swimming), Simeon Toribo (athletics), at Jose Villanueva (boxing) ang naiuwi ng bansa.

Makakasagupa ni Petecio sa semifinals sa July 31, alas-12:39 ng tanghali, si Irma Testa ng Italy.

5 thoughts on “PINAS SIGURADO NA SA ISA PANG OLYMPIC MEDAL (Petecio umabante sa semis)”

  1. 629541 930899Attractive section of content. I just stumbled upon your weblog and in accession capital to assert that I acquire in fact enjoyed account your blog posts. Anyway I will likely be subscribing to your augment and even I achievement you access consistently rapidly. 237266

Comments are closed.