TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Timor-Leste Prime Minister Tau Matan Ruak na mananatili ang partnership ng dalawang bansa hindi lang dahil malapit nang maging full-fledged member ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) kundi magkaibigan na nagkakatulungan lalo na’t halos pareho ang layunin.
“In the Philippines, you have a partner. We have always been supportive,” pagtitiyak ng Pangulo sa Timor Leste leader.
Sa kanilang bilateral meeting sa sidelines ng 42nd ASEAN sa Indonesia, ikinagalak ni Pangulong Marcos ang nalalapit na maging ika-11 bansang miyembro ng ASEAN ang Timor Leste na ngayon ay observer pa lamang.
“It has always been our view that the membership of Timor-Leste in ASEAN could only strengthen ASEAN and I’m very happy that the process has continued and you are now here to join us as an observer with the ultimate end of becoming a full-fledged member of ASEAN,” ayon sa Pangulo.
Bukod sa Pilipinas, ang miyembro ng ASEAN ay Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam.
Sa ngayon, ang Timor Leste ay nasa observer status ng regional bloc kaya naman ikinagalak ni PBBM na natalakay sa katatapos na summit ang estado ng pagiging miyembro ng nasabing bansa.
“I came then happy to see that there has been progress, and they will now have the observer status and are beginning to participate in the discussions with what we have. As you can see the there are some the strength of Asia really is the commonality,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.
Pinasalamatan naman ng Timor-Leste Prime Minister ang pagsuporta ng Pilipinas na aniya’y kaibigan lalo na’t marami sa kanilang missionaries ay nasa Pilipinas habang may kaakibat na puso o emosyon ang relasyon nila sa bansa.
“Philippines is a great friend of Timor-Leste. We have a big community of Philippines in our country, but we have also a big community of Timorese in Philippines. We have the missionaries, we have the teachers. So it’s not just diplomatic relations, it’s emotion,” anang Timor-Lester leader.
Kabilang din sa nagpahigpit ng pakikipagkaibigan ng dalawang bansa ay ang pagkakaroon ng Filipino peacekeeper sa ilalim ng United Nations.
Pinasalamatan din ni Marcos ang Timor Leste sa aksyon nito hinggil naman sa asylum ni Negros Oriental Cong. Arnie Teves na napaulat na nananatili sa nasabing bansa dahil naman sa kontrobersyang hinaharap nito bilang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.
EVELYN QUIROZ