PINAS, UNIDO SANIB-PUWERSA

TINALAKAY ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez kay United Nations Industrial Development Organization (UNIDO) Director General Li Yong ang 1st UNIDO Country Programme para sa Filipinas, gayundin ang technical assistance at support para sa Philippine National System of Innovation.

“The partnership between the Philippines and UNIDO will greatly benefit the Filipino people and improve the current state of the country through various technical assistance and support in developmental areas. As the country programme is based on the macroeconomic agenda of President Rodrigo Duterte, it will support the government’s drive to reduce poverty and improve industries through the development of human capital, innovation, and connectivity in the country,” wika ni Sec. Lopez.

Ang UNIDO Country Programme ay binuo kaugnay sa Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022. Ang banghay nito ay base sa national priorities ng bansa at naglalayong palakasin ang pagtutulungan ng development cooperation partnerships ng pamahalaan ng Filipinas.

Tinukoy ng DTI ang priority interventions na makikinabang sa support at technical assistance mula sa pakikipag-partner  sa UNIDO. Magpopokus ito sa pagpapalaganap ng inobasyon, pagpapaunlad sa mga industriya at  pagpapabilis sa muling pagbuhay sa manufacturing.

Sa naturang pagpupulong, binigyang-diin ng trade chief ang pagsisikap ng bansa na isulong ang mabilis na paglago sa industry sector sa pamamagitan ng Inclusive Innovation Industrial Strategy (I3S), isang industrialization program na titiyak sa paglinang sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) bilang bahagi ng  value chains.

“Our plan is to promote productivity, innovation, and inclusivity in industry development. These will allow participation of those at the bottom of the pyramid and solve the poverty situation,” dagdag ni Sec. Lopez.

Pinuri ni Director General Yong ang mga programa ng gobyerno na sumasalamin sa mga estratehiya ng Sustainable Development Goals (SDG). Pinapurihan din niya ang growth rate ng Filipinas, ang mga inis­yatibo ng bansa na nagbibigay ng kapangyarihan sa MSMEs, ang kampanya para sa job at income generation, gayundin ang pagsisikap ng gobyerno na maiugnay ang MSMEs sa global value chains.

Samantala, ipinarating ni Sec. Lopez ang pangangailangan na isama at bigyang-halaga ang kalakalan, gayundin ang ibilang ang manufacturing capacity sa country programme.

Aniya, ang mas malaking human capital, innovation, productivity, at resilience ay mahalaga sa paglikha ng mas malakas na manufacturing at export manufacturing base sa bansa.

“Our success in achieving our goal to balance trade and create surplus depends on capacity building—both physical capacity and human resources. The technical assistance as well as support in these areas are greatly needed,” sabi pa ng  trade chief.

Binanggit din ng kalihim ang pangangailangan na tugunan ang power cost, na isa sa malaking hamon, dahil nakaaapekto ito sa pagiging kumpe­titibo ng mga kompanya na nag-o-operate sa bansa.

Naglalayon naman ang UNIDO Country Programme na tugunan ang mahahalagang isyu, kabilang ang mga hamon sa pamumuhunan at pagpapadali sa pagnenegosyo, pagiging kumpetitibo, inobasyon sa industry sector, skills mismatch (labor force vis-à-vis industry needs), availability ng data at statistics (industry sector, lalo na ang  MSME), productivity-enhancing support services, infrastructure (agriculture, forestry, at fishery sector), at pagiging mahina sa climate at disaster risks.

Comments are closed.