(Pinasinayaan ni Duterte) 143 SOCIAL, TOURISM PROJECTS

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sabay-sabay na inagurasyon ng 143 social at tourism projects sa buong bansa.

Sa inauguration ceremony, sinabi ni Pangulong Duterte na itinuturing na milestones sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ang nasabing mga proyekto.

Bahagi ng 484 major seaport projects na nakumpleto mula Hunyo 2016 hanggang kasalukuyan ang naturang social at tourism projects.

Ayon sa  Pangulo, pauunlarin ng mga proyekto ang iba’t ibang industriya tulad ng shipping, fishing at tourism sectors ng mga probinsiya.

Sa kasalukuyan ay  ipinatatayo na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang multi-million peso passenger terminal na tatawaging “biggest passenger terminal” sa buong bansa. DWIZ 882