(Pinasisilip sa Kamara) DELAYED BENEFITS NG HEALTH WORKERS

Manuel Lopez

PINAIIMBESTIGAHAN  ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Manuel Lopez ang naantalang benepisyo para sa healthcare workers.

Sa House Resolution 1704, hinikayat ng kongresista ang Kamara na siyasatin ang isyu ‘in aid of legislation’ upang hindi na ito maulit at makabuo ng batas kung kinakailangan.

Iginiit ni Lopez na hindi katanggap-tanggap ang anumang delay o pagkaantala sa pagbibigay ng benepisyo sa mga medical frontliner  na patuloy na naglilingkod at humaharap sa panganib ng COVID-19.

Kabilang sa mga binanggit na naantalang benepisyo ay ang special risk allowance; meals, transportation, accomodation allowances; at performance based-bonuses.

Dismayado rin, aniya, ang ibang mga medical frontliner na sinisingil pa sa kanilang COVID-19 RT-PCR test, dagdag pa ang hindi pagbibigay ng pandemic o quarantine leave, at hindi rin nababayaran kapag job order.

Sinabi ng mambabatas na kailangang rebisahin at ayusin ang COVID-19 response ng pamahalaan para sa kapakanan ng health care workers at sa kaligtasan ng mga Filipino. CONDE BATAC

147 thoughts on “(Pinasisilip sa Kamara) DELAYED BENEFITS NG HEALTH WORKERS”

  1. pg slot โบนัส ที่ดีที่สุด ให้ทุกคนที่เป็น สมาชิกกับเราได้ลุ่นโบนัสพิเศษ สล็อต เริ่มหมุน มุนกงล้อได้ลุ้นรับโบนัส พิเศษได้แล้ววันนี้

Leave a Reply

Your email address will not be published.