(Pinasisilip sa Kamara) RED-TAGGING SA COMMUNITY PANTRIES

kamara

PINAIIMBESTIGAHAN ng Makabayan Bloc sa Kamara ang umano’y ginawang profiling at red-tagging sa mga organizer at volunteer ng community pantries.

Sa House Resolution 1723, inaatasan ang House Committee on Human Rights na siyasatin ‘in aid of legislation’ ang alegasyon ng harassment, profiling at red-tagging sa mga community pantry volunteer at organizer.

Nakasaad sa resolusyon na nitong April 20 ay napilitan ang organizer ng unang community pantry sa Maginhawa Street, Quezon City na si Ana Patricia Non na magsara pansamantala dahil sa profiling na ginawa umano ng Philippine National Police (PNP) sa kanya at sa kanyang mga volunteer.

Bukod dito, naikalat din sa social media page ng iba’t ibang police station ang umano’y red-tagging sa mga community pantry.

Nakadagdag pa sa pagkabahala ng mga community pantry ang pahayag ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino na kailangan ng mga ito na kumuha muna ng permit dahil sa paglabag sa protocol na kalaunan ay binawi naman din ng opisyal.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 30 ang community pantries sa buong bansa.

Iginiit ng mga kongresista ang magandang adhikain ng community pantries sa pagtulong sa mga nangangailangan sa gitna ng pandemya at maski ang Ehekutibo ay kinikilala na rin ang magandang inisyatibong sinimulan ng community pantries. CONDE BATAC

6 thoughts on “(Pinasisilip sa Kamara) RED-TAGGING SA COMMUNITY PANTRIES”

  1. 898624 582099I discovered your site website online and check a lot of of your early posts. Maintain on the top notch operate. I just now additional your Feed to my MSN News Reader. Looking for forward to reading a lot much more from you finding out later on! 8873

  2. 353142 404286Intending start up a enterprise around the internet involves revealing marketing plus items not only to girls locally, but somehow to several buyers who are web-based as a rule. e-learning 795646

Comments are closed.