NABABAHALA si Senador Win Gatchalian sa napipintong pagpapasara sa tatlong hydroelectric power plants sa Benguet kaya hiniling niya sa Department of Energy (DOE) na gamitin ang mandato nito para maresolba ang isyu.
“Sa panahon na may mga pagbabanta na malalagay sa yellow at red alerts ang suplay ng koryente sa Luzon, kailangan nating siguruhin na may sapat tayong bilang ng mga plantang gumagana at maaasahan sa mga susunod na araw. Kailangang-kailangan natin ang sapat na suplay ng koryente sa ganitong panahon na nasa gitna pa rin tayo ng isang pandaigdigang krisis sa kalusugan,” ani Gatchalian.
Ang mga pahayag ni Gatchalian ay kaugnay sa pagbibigay ng cease and desist order (CDO) ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Cordillera sa kompanyang Hedcor Inc., operator ng Labay, Lon-oy at F.L. Singit hydropower plants sa Bakun, Benguet.
Matapos maisilbi ang CDO noong Martes, Hunyo 22, binigyan ang Hedcor Inc. ng limang araw para tapusin na ang kanilang operasyon. Inilabas ang kautusan matapos umanong mabigo ang kompanya na makuha ang basbas ng Bakun Indigenous Tribes Organization (BITO) na siyang nakasaad sa batas.
Sa ilalim ng Indigenous People’s Rights Act of 1997 (IPRA), ang mga project developer ay maaaring maka-pagproseso ng kailangang permits at lisensiya para makapag- operate kapag nabigyan na sila ng Certification Pre-condition (CP) ng NCIP. Ito ay nagpapatunay na pinapayagan sila ng mga katutubo na mag-operate sa kanilang komunidad.
“Ang kinakaharap ng Hedcor Inc. at ng mga pamayanang katutubo ay may kinalaman sa mga legal na usapin, Nakikiusap ako sa NCIP at DOE na pag-usapan ito upang magawan ng paraan kung paano masosolusyunan,” ani Gatchalian.
“Naiintindihan ko na may kaakibat na isyung sumasaklaw sa mga karapatan ng mga kababayan nating IPs sa usaping ito. Ngunit mabigat din ang usaping kinakaharap sa pagpapasara ng mga plantang ito na isa sa mga pinagkukunan ng suplay ng koryente ng mga nasasakupang lugar sa halos tatlong dekada na. Sana ay magkaroon ng resolusyon na katanggaptanggap sa mga kinauukulan sa lalong madaling panahon,” dagdag pa ng senador. VICKY CERVALES
817342 884607The Twitter application page will open. This is great if youve got some thousand followers, but as you get far more and a lot more the usefulness of this tool is downgraded. 396458
151341 952358We stumbled over here coming from a different web page and thought I may well check issues out. I like what I see so now im following you. Appear forward to exploring your internet page however once again. 352312
452194 736323Some genuinely fantastic blog posts on this internet website , thankyou for contribution. 277081
808121 807116When I initially commented I clicked the -Notify me when new comments are added- checkbox and now each time a remark is added I get four emails with the same comment. Is there any manner you possibly can take away me from that service? Thanks! 351791
935595 738436Thank you pertaining to giving this superb content on your web-site. I discovered it on google. I may possibly check back again should you publish extra aricles. 24358