NANAWAGAN ang mga senador sa mga ahensya ng gobyerno para tiyakin ang proteksyon ng mga Pilipino sa Israel matapos maglunsad ng nakamamatay na pag-atake ang Palestinian Islamist group na Hamas noong Sabado.
Kinondena nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Grace Poe ang karahasang ginawa sa Israel.
“We call upon the Department of Migrant Workers, the Department of Foreign Affairs, and other Philippine government agencies to secure our overseas Filipinos and ensure safe passage if necessary,” aniya ni Zubiri.
“We urge the full utilization of the Assistance to Nationals Fund for this purpose. I pray for all who are affected by this conflict- particularly the thousands of our Filipino brothers and sisters. May the LORD cover you all,” dagdag pa niya.
Sinabi naman ni Poe na ang kaligtasan ng mga Pilipino ang dapat na pangunahing prayoridad ng gobyerno.
“The safety of Filipinos in conflict-stricken Israel is of primordial concern. Concerned government agencies must ensure that our kababayan, especially those living near the battle zones, are moved to secure shelters or halfway houses,” ani Poe.
“Repatriation should be calibrated for those who want to go home while the borders are still open […] As we hope for a peaceful resolution of the conflict, we have to act with dispatch so that no Filipinos will be included in the count of casualties,” dagdag pa ng mambabatas.
Noong Sabado, inilunsad ng Hamas ang pinakamalaking pag-atake sa Israel sa loob ng maraming taon, nagpaputok ng mga rocket at nag-deploy ng mga gunmen sa ilang bayan ng Israel. Hindi bababa sa 22 katao sa Israel ang napatay sa oras na iyon.
Sa ikatlong araw ng labanan, araw ng Lunes ay may 700 Israelites na at 400 Palestinian ang nasawi habang marami ang kinidnap ng rebeldeng Hamas kabilang ang mga dayuhan.
LIZA SORIANO