(Pinatitiyak sa NGCP) SAPAT NA SUPLAY NG KORYENTE

IGINIIT ni Senadora Grace Poe na ang mga power firm na nabigyan ng prangkisa at permit ay may malaking tungkulin sa pagbibigay ng maaasahang koryente sa lahat ng oras.

“Reliability is a big commitment in the provision of public service. Kailangan ay maaasahan ka ng mga tao sa lahat ng oras, whatever the circumstances are,” sinabi ni Poe sa hearing ng Senate committee on energy.

“Thus, it should be the responsibility of our public service providers to ensure that proper measures are in place and upgrades are implemented to continuously improve the reliability of the system,” dagdag pa niya.

Ipinunto ng chairperson ng Senate committee on public services na ang Republic Act No. 9511 ay nagbibigay sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng prangkisa na may pangakong suportahan ang ligtas at maaasahang operasyon ng transmission system sa Pilipinas.

“The weight of its responsibility is heaviest being the sole operator – ang tanging inaasahan natin. Kung hindi gumagana, kung nasira, wala tayong kuryente,” ani Poe.

Muling iginiit ni Poe na ang prangkisa ay isang pribilehiyo lalo na kung ito ay may kinalaman sa natural na monopolyo na ibinibigay sa isang solong kompanya.

“I would just like to remind you, we’re not making a unilateral conclusion here without further studies, but RA 9511 is clear that in a franchise, we may amend, we may alter and we may repeal your franchise if it is for the common good,” ayon sa mambabatas.

-LIZA SORIANO