NANAWAGAN si Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tiyakin ang pagkakaroon ng sapat na power supply, partikular ang para sa maayos na operasyon ng mga health facility sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“We urge the NGCP to make sure that we have adequate power supply all throughout the summer season when demand is at its highest,” sabi ni Reyes.
“Hospital patients’ lives are on the line and we need to ensure that the quality of operations in our medical facilities will not be affected,” pagbibigay-diin niya.
Kasabay nito, binanggit ni Reyes ang malaking papel na gagampanan ng NGCP sa pagsusulong ng green energy o paggamit ng renewable energy source bunsod na rin ng patuloy na pagtaas sa power rate at supply demand. Base sa datos ng Department of Energy (DOE), inaasahang papalo ang energy demand sa bansa sa pinakamataas na 13,125 MW.
Kaya naman hinimok ni Reyes ang NGCP na tutukan nang husto ang backlog ng bansa para sa green energy at gamitin ang mas maaasahan at murang supply source ng koryente para na rin sa ikabubuti ng mga consumer.
“NGCP has the power to make it easier for renewable energy technologies to make it into the grid,” ayon pa sa kongresista.
“We need to finish more projects that will ensure sufficient and cheaper energy supply,” dagdag pa ng kongresista.
ROMER R. BUTUYAN