NANAWAGAN si Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa pamahalaan na maglaan ng sapat ng pondo upang maging mas mabilis, maayos at kumpleto ang pagkakaloob ng tulong medikal sa mga buntis.
Ginawa ng neophyte party-list lawmaker ang kahilingan bilang reaksiyon sa ulat na ipinalabas ng United Nations Population Fund (UNFPA) na anim hanggang pitong Filipino women ang namamatay sa panahon ng pagbubuntis hanggang sa kanilang panganganak.
Partikular na itinuturong dahilan ng naitalang maternal deaths ay ang kawalan ng access sa health services sa bansa.
“During emergencies, when access to maternal health services is disrupted, more women die during pregnancy and childbirth.
Women die because sexual and reproductive health services are unavailable, inaccessible, unaffordable, or of poor quality,” sabi ni UNFPA Country Representative Dr. Leila Saiji Joudane sa isang kalatas.
Bunsod nito, iginiit ni Reyes na maglaan pa ng mas maraming resources para masigurong may sapat at madaling access sa health services ang mga kababaihan sa kanilang pagdadalang-tao at panganganak.
Mungkahi pa ng Anakalusugan party-list congressman, pagtuunan din ng pansin ang pagbibigay ng sapat na serbisyong medikal lalo na sa rural areas sa bansa.
“Dehado ang mga kababaihan sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) dahil mas malaki ang kailangan nilang gastusin para makakuha ng health services,” sabi pa ni Reyes.
“Kaya mahalaga na inilalapit natin ang serbisyo sa kanila. Ito ang paulit-ulit na panawagan natin sa AnaKalusugan.
We have to prioritize public health and help our people cope with the costs that health services entail,” dagdag ng mambabatas.
-ROMER R. BUTUYAN