(Pinatutugis sa mga awtotidad) MEDICINE HOARDERS, PRICE MANIPULATORS

PINATUTUGIS ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo sa mga awtoridad ang hoarders at price manipulators ng mga gamot laban sa COVID-19 symptoms.

Ang hirit ng kongresista ay sa gitna na rin ng ulat na nagkakaubusan ng suplay ng paracetamol na gamot sa lagnat, na isa sa mga sintomas ng COVID-19.

Pinakikilos ni Hipolito-Castelo ang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), Philippine National Police (PNP) at local government units.

Giit ng mambabatas na mahigpit na ipatupad ng naturang mga ahensiya ang mga batas, regulasyon at local ordinances na nagbabawal sa hoarding at price manipulation ng mga gamot at consumer products.

Ipinaalala ng lady solon na noong magsimula ang pandemya, ilang negosyo at mayayaman ang nag-hoard ng PPEs, face mask at face shield, dahilan kaya umakyat din ang presyo ng mga ito.

Kinakailangan aniyang maprotektahan ang kapakanan ng publiko lalo na ng mahihirap na mawawalan ng access sa gamot.

Para naman hindi mauwi sa hoarding, pinatitiyak ng mambabatas sa pamahalaan at manufacturers ang sapat na suplay ng COVID-19 medicines. CONDE BATAC