PINAY, AUSSIE HUSBAND LAYA NA SA CRUISE SHIP QUARANTINE

Diamond Princess Cruise Ship

JAPAN – MAKARAAN ang dalawang linggo o 14 araw, nakalabas na ng Diamond Princess cruise shiP,  ang isang Pinay at mister nito na Australian.

Ang nasabing barko ay nagsilbing quarantine ng mag-asawa kasama ang mahigit 500 Filipino makaraang maitala ang mahigit na 600 na positibo sa Coronavirus disease (COVID-19).

Sa video na in-upload ng Pinay na si Henrisa Overtom, ramdam ang saya nila ng mister sa paglabas sa cruise ship kung saan pinasalamatan din nito ang mga Pinoy crew.

Sa kanyang paglabas sa barko ay naghibilin ito sa isang Pinoy crew na chat-chat na lang.

Ang mag-asawa ay babalik na sa Australia at negatibo ang test sa kanila sa nasabing virus.

Ang Diamond Princess ay may lulang 3,711 at 538 doon ay Filipino habang 531 ang crew at pito ang pasahero.

Sa 621 na infected ng naturang virus, 41 ay Filipino. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM