PINAY BINITAY SA SAUDI ARABIA

OWWA

KINUMPIRMA ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na isang 39-anyos na Pinay domestic helper ang binitay sa Saudi Arabia noong Martes matapos mapatunayang guilty sa kasong pagpatay

Sa report na nakalap ng OWWA mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ipinatupad ang hatol na kamatayan sa hindi na kinilalang Pinay household service worker.

Nabatid na nakiusap ang pamilya ng Pinay OFW ng  privacy sa kanilang pagdadalamhati kaya hiniling na huwag ng ilantad ang kakakilanlan ng ka-nilang kapamilya.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang DFA sa kaniyang naulilang pamilya.

Malungkot ang OWWA  na hindi siya nagawang maisalba sa parusang kamatayan dahil ang kaniyang kinakaharap na asunto ay itinuring ng Saudi Supreme Judicial Council hindi aplikable ang pagbabayad o pagkakalob ng blood money sa pamilya ng pinaslang base sa Shariah law.

Ayon kay Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto naipagkaloob naman ang lahat ng tulong na kailangan ng Pinay sa kasagsagan ng paglilitis. VERLIN RUIZ

Comments are closed.