PINAY BOOTERS TARGET MAGSANAY SA CALIFORNIA

TARGET ng Philippine women’s team ang full California training bilang paghahanda sa nalalapit nitong kampanya sa AFC Asian Cup.

Ayon kay head coach Marlon Maro, ikinasa nila ang US trip dahil ang face-to-face training ay malabong maisagawa sa bansa dahil sa mahigpit na polisiya ng gobyerno pagdating sa COVID-19 cases.

Aniya, kailangang makapag-ensayo na ang koponan sa lalong madaling panahon dahil ang torneo na nagsisilbing qualifier sa 2023 FIFA Women’s World Cup ay idaraos tatlong buwan mula ngayon sa India (January 20-February 6).

“‘Yung face-to-face malabo sa atin kasi clear naman ang stand ng government na unless the general population is vaccinated, doon pa lang tayo magbubukas. And we can’t wait for that moment kasi January na ‘yung laro.

“So ang plano pa rin is pupunta talaga ng US kasi doon bukas na sila.”

Ibinunyag ni Maro ang plano ng koponan sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon kung saan sinamahan siya nina assistant coach Rose Ton Barinan at midfielder Rocelle Mendano.

Gayunman, ang training sa Irvine, California ay nakabitin pa dahil wala pang US visas ang ibang players at ilang miyembro ng coaching staff.

Sa kasalukuyan, ang visa section sa US Embassy sa Manila ay nag-a-accommodate lamang ng emergency visits sa America.

“‘Yun ang problema natin ‘yung visa. So sana maka-avail tayo ng schedule,” wika ni Maro, at idinagdag na sinisikap ng Philippine Football Federation (PFF) na humingi ng tulong sa US counterpart nito, na laging sumusuporta sa local football federation.

Ang Malditas ay galing sa matagumpay na kampanya sa katatapos na Asian Cup qualifiers sa Tashkent, Uzbekistan kung saan nanguna ito sa Group F.

Ang top five teams sa AFC Cup ay uusad sa Australia para sa World Cup, kung saan wala pang Filipino team ang nakagagawa nito.

2 thoughts on “PINAY BOOTERS TARGET MAGSANAY SA CALIFORNIA”

  1. 778843 992978This will be an excellent internet site, may possibly you be interested in doing an interview about how you developed it? If so e-mail me! 288504

Leave a Reply

Your email address will not be published.