PINAY BUSINESS EXECS NO. 1 SA MUNDO

Grant Thornton International

NANGUNGUNA ngayon sa larangan ng top management positions ang kababaihan, batay sa ipinalabas na survey ng Grant Thornton International ngayong taon.

Ayon sa survey, 43 porsiyento ng Senior Management na posis­yon ng mga kompanya sa bansa ay hawak ng mga Pinay, na umookupa naman sa tatlong matataas na puwesto bilang chief finance officer(CFO), human resources director(HRD) at chief operating officer(COO).

Lumabas pa sa survey na sa 32 bansa, ang South Africa, Poland at Mexico ay pangalawa lamang sa Filipinas, kasunod ang Argentina, Armenia, Australia, Brazil, Canada, China, France, Germany, Greece, India, Indonesia, Ireland, Italy, Japan, Malaysia, Netherlands, Nigeria, Russia, Singapore, South Korea, Spain, Sweden,Thailand,Turkey, UAE, UK, US at Vietnam kung saan sa loob ng tatlong taon – 2016 (39%), 2017 (40%) at 2018 (37.5%) o average na 43 percent ng Senior Management positions ay inookupahan ng mga Pinay.

Sinabi ni Marivic Espano, CEO ng P&A Grant Thornton, local affiliate ng Grant Thornton International, epektibo bilang mga role model ang mga Pinay kung kaya sila ang inilalagay sa puwesto bilang top executives na na­ngangasiwa sa operations, strategy, finance at human resources ng kompanya at hahawak na rin ng chief executive position o kaya’y managing director pagdating ng panahon.

Noong nakaraang taon, ang tatlong posisyon sa top management na kinabibilangan ng HR director, CFO at COO ay inokupahan ng mga kababaihan sa bansa.

Ayon pa sa report ng Thornton, isinusulong ng mga negosyante ang gender diversty sa trabaho kung kaya 94 porsiyento ng kompanya sa Filipinas ay patas ang pagtingin sa mga lalaki at babaeng humahawak ng matataas na posisyon.

Lumabas din sa survey na ang pagsusulong ng gobyerno sa gender equality ang isa sa mga dahilan kung kaya mataas ang porsiyento ng women executives sa bansa.    NORMAN S. LAURIO

Comments are closed.