HONG KONG – COMATOSE ang isang isang Pinay domestic helper sa Hong Kong matapos masagasaaan ng taxi na nawalan umano ng control sa Aberdeen.
Kinilala ang biktima na si Marilou Abunda, tubong Hilongos, Leyte, 46-anyos.
May malay pa umano si Abunda nang dinala ng mga pulis sa Queen Mary Hospital, ngunit agad ding na-coma pagdating sa ospital.
Ayon kay Welfare Officer Marivic Clarin na bumisita kay Abunda sa ospital, nag-aalangan magbigay ng impormasyon ang ospital tungkol sa kalagayan ng biktima, ngunit hindi aniya maganda ang prognosis ng OFW.
Sa salaysay naman ng mga kaibigan ni Abunda, matindi ang natamo nitong pinsala dahil sinubukan pa umano nitong protektahan ang isang matandang babae mula sa pagkakabangga.
Sa tulong ng Consulate and the Philippine Overseas Labor Office, Nakatakdang magtungo ang mga kamag-anak ni Abunda para alamin ang kalagayan nito. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.