SAUDI ARABIA – BUNSOD ng matinding pagkainip at pangungulila, uminom ng liquid bleach ang isang overseas Filipino worker na dahilan para isugod ito sa ospital.
Mismong ang amo ng Pinay domestic helper ang nagdala sa ospital kay Jade, hindi tunay na pangalan.
Batay sa kinatawan ng recruitment agency kung saan konektado si Jade, sinabing agad nang dinala ng amo ang OFW sa ospital makaraang maaktuhang umiinom ng bleach.
Nabatid na isang buwan pa lamang nagtatrabaho bilang domestic helper ang 26-anyos na Pinay at dahil sa matinding pangungu-lila ay nais na nitong umuwi.
Sinabi naman ni Labor Attaché Nasser Munder na pinatigil muna sa Bahay Kalinga si Jade saka inaayos ang papeles para makauwi na ito sa Filipinas.
Samantala, sinabihan ni Munder ang mga recruitment agency na tiyaking handa ang mga OFW na ipa-dadala sa abroad upang maiwasan ang kahalintulad na pangyayari. EUNICE C.
Comments are closed.