PINAY DH NA ITINALI SA PUNO NG AMO NAKAUWI NA

Lovely Acosta Ruelo

LA UNION – KAPILING na ng Pinay domestic helper na itinali sa puno ng kanyang amo sa Riyadh, Saudi Arabia, ang kaniyang pamilya sa bayan ng Bauang.

Si Lovely Acosta Ruelo ay sinagip ng mga awtoridad mula sa embahada ng Filipinas katuwang ang Saudi authorities kaya nakauwi ito sa bansa.

Ang larawan ni Lovely ay nag-viral sa internet.

Sinabi ni Ruelo na ang kanyang mga kasamahan sa trabaho ang kumuha ng larawan at ina-upload sa social media.

Ikinagalit naman ng kanilang amo ang ginawa ng mga kasamahan.

Itinanggi umano ng employer ni Ruelo na nababad sa araw ito na nasa caption sa kanyang larawan.

Sa salaysay naman ni Ruelo, pinitserahan siya ng kanyang amo nang dalawang beses at inutusan ang driver na itali siya sa puno at iwan ng pitong oras o mula alas-2 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi.

Naniniwala si Ruelo na naisalba siya ng Ramadan dahil kung hindi aniya ay haharapin siya ng kanayang amo. PILIPINO Mirror Reportorial Team