PINAY DH NA MINALTRATO BALIK BANSA

KUWAIT

CAGAYAN DE ORO CITY – BALIK bansa na ang isang overseas Filipino worker (OFW) na napabalitang pinagmalupitan ng kanyang pinaglilingkurang amo sa Kuwait, sa tulong ng kanyang agency.

Kinilala ito na si Ruby Caduyag, 45-anyos, tubong Cagayan De Oro City at dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 kahapon ng umaga sakay ng Gulf Air ga­ling Saudi.

Ayon sa pahayag ng biktima sa simpleng hindi nila pagkakaintindihan ng kanyang among babae na Kuwaiti, agad siyang pinagpapalo sa  katawan.

Nagtamo si Ruby ng mga pasa sa kanyang katawan bunsod ng kalupitan ng amo.

Aniya humingi siya ng pasensiya, sapagka’t hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kanyang amo, sa halip na magpaliwanag ang amo, agad  na palo ang sinagot sa kanya.

Ang masakit pa, ayon kay Ruby bago siya makalabas sa bahay ng kanyang employer dinuraan siya at pinagmumura. FROILAN  MORALLOS

Comments are closed.