PINAY DH NAGBIGTI

bigti

ISABELA – NAIUWI na sa bayan ng San Mariano sa lalawigang ito  ang labi ng isang Pinay domestic helper na nagbigti sa Oman.

Si  Analiza Laman Cagurangan ay pinaglalamayan na sa kanilang tahanan sa Barangay Balaga.

Tiniyak naman ng recruitment agency na nagpadala kay Cagurangan sa Oman na magbibigay ang kanilang kompanya ng tulong pinansiyal sa mga naulilang anak at sa pamilya ng Pinay worker bukod pa sa tulong na ibibigay ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA)-Region 2.

Nagulat umano sila nang makita si Analiza na nagbigti gamit ang kumot na itinali nito sa ceiling fan na nasa loob ng kuwarto.

Sinabi naman ni Councilor Susan Duca, chairman ng committee on justice and human rights ng San Mariano, na mabilis ang pagpapauwi ng bangkay ni Analiza sa bansa dahil agad nakipagtulu­ngan sa kanila ang asawa nito na siyang tatanggap at nilagdaan ang mga dokumento na kinakaila­ngan sa pagpapauwi sa tulong ng OWWA, Department of Foreign Affairs, at Department of Labor and Employment. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.